top of page

Panalangin ng GUARDIANS

 

Panginoon, turuan mo akong maging matapang

At hindi nalulukuban ng takot

Disiplinado, sa mga nakabababa o nakatataas man

May turing na kapatid,maging sa kaibigan o kaaway

Matuwid, sa harap ng paniniwala

 

Panginoon, turuan mo kaming maging matapat

Na tagapagtanggol ng naaapi

Magiting na tagapagtaguyod ng Bandilang Pilipino

May Kalayaan at Pagkakaisa, Mabuti, hindi naghihintay ng kapalit

At hindi nagtatanim ng galit

 

Matapat sa aming Bansa at Paniniwala

Kalmado sa galit at sa pighati

Maginoo sa tagumpay at pagkatalo

Taimtim, walang pagiimbot at walang pagkapalalo

 

Panginoon, isinasamo namin sa Iyo

Paglinawin mo ang aming kaisipan

upang malaman ang daan

Bigyang liwanag upang makita ang daan

At ng lakas upang tahakin ang daan

 

AMEN

  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Google+ Social Icon
  • YouTube Social  Icon
  • Pinterest Social Icon
  • Instagram Social Icon
bottom of page